Bago ka magparatang na isip-bata ako, subukan mong alalahanin ang mga panahong tinatamad ka at ayaw mong magtrabaho. Nagreklamo ba ako? Ang alam ko, pinabayaan kitang tamarin at matulog, o di kaya'y kumain o hindi tumanggap ng trabaho. Kasi pagod ka. Kasi inaantok ka. Kasi gutom ka. Kasi toxic ka. Kasi may gagawin ka pa. Kasi kaya ko na to. Kasi yung iba naman ang sabihan ko.
Ang lakas ng loob mong magpaka-agresibo sa mensahe mo. Ikaw na naman ang tama kapag nakikipagsagutan ka. At pagkatapos mo ako pagsalitaan na hindi man lang sa harap ko, ako pa ang nanghingi ng patawad. Hindi ka man lang nga makatingin sa mata ko at nagmistula ka pang asong nakaipit sa mga paa ang buntot.
Sa mga panahong pinagsasalitaan mo ako ng hindi maganda, tandaan mong hindi ako pumatol ni minsan. Bastos ka manalita, at sinasabi ko sayo yun. Pero wala ring pagbabago. At ngayon ikaw ang may napakalakas na loob na magparatang na isip-bata? Munting hiling ko lang po ay tumingin din po kayo sa sarili ninyo bago kayo mangbintang. Pero wala pala akong magagawa dahil perpekto kang nilalang. Sukdulan ang katalinuhan mo. Napakagalang mo sa lahat ng tao. Ikaw ang pamantayan ng kabaitan. Wala na po kaming mahihiling pa sa pagkaperpekto ninyo.
Pero sana makadaan rin sa napakalawak mong utak na wala kang pakialam sa mga tao. Insensitibo ka. At higit sa lahat, BASTOS KA. Pag ako ang may dahilan, isip-bata ako at walang kwenta. Batugan. Abuso. Wala sa lugar. Kapag ikaw, dapat tanggapin namin ang mga dahilan mo. Kaya ayos lang. Kasi pagod ka. Kasi inaantok ka. Kasi gutom ka. Kasi toxic ka. Kasi may gagawin ka pa. Kasi kaya ko na to. Kasi yung iba naman ang sabihan ko.
Nakakatawa. Ngayon mo pa talaga naisip ilabas ang saloobin mo. Inipon mo siguro iyon ng napakatagal na panahon. Nakakamangha na napakatagal mo na pala akong hinaharap ng peke. Ang tanga ko pala talaga. Akala ko nakahanap ako ng kaibigan na totoo, yun pala, imahinasyon ko na naman ang umiral. Akalain mo yun, sa kabobohan na naman pala nauwi ang pagtitiwala ko. Pero ayos lang. Sanay na ako.
Ikaw pa talaga ang may lakas-loob na pagsalitaan ako ng ganyan. Kesyo kilala mo ako. Na isip-bata, na walang alam, na tamad. Pasensya na ho, ser, ito lang ho ang kayang pag-isipan ng makitid kong utak. Hindi ko ho sinasadya na madawit ang napakalinis ninyong pagkatao. Di bale ho, sa susunod, hindi na ho kayo makakarinig ng anuman mula sa akin.
Salamat sa halos tatlong taong punung-puno ng panlilinlang. Ako ang nagkamaling magbigay ng buong pagtitiwala sa isang taong may masamang pananaw naman pala sa pagkatao ko. Pero dahil sa palagay ko, hindi ako masamang tao, sana makahanap ka ng kaibigang magpapakita sayo ng katotohanan, ngayon man o sa mas mahabang panahon pa.
Tagalog yan. Yun na lang.

posted from Bloggeroid